^

Probinsiya

Diarrhea outbreak: 386 nadale

-

BAGUIO CITY, Philippines – Uma­abot sa 386-katao mula sa limang barangay ang na-ospital matapos manalasa ang sakit na diarrhea sa Baguio City, ayon sa ulat kahapon. Ayon kay Dr. Do­natel Tobera ng Baguio City Epidemiology and Surveillance Unit, kabilang sa mga barangay na may diarrhea outbreak ay ang Barangay Imelda Village, M. Roxas, Saint Joseph, Purok 4 sa Brookside at East Modern Site sa Aurora Hill.

Base sa pagsusuri ng mga imbestigador mula sa Baguio Health Services Office, may natagpuang fecal coliform bacteria mula sa water supply na pinag­ku­kunan ng inuming tubig sa Baguio Water District.

Nagkaroon ng leak ang sewerage system patungong pumping station ng BWD sa Navy Base kaya na­apektu­han ang tubig ng mga resi­dente kaya pan­samantalang ipinatigil ang operasyon habang gina­gawa ang mga tubo. Kon­trolado naman ang sitwas­yon at hindi na ma­apek­tu­han ang iba pang ba­rangay. Artemio A. Dumlao

ARTEMIO A

AURORA HILL

BAGUIO CITY

BAGUIO CITY EPIDEMIOLOGY AND SURVEILLANCE UNIT

BAGUIO HEALTH SERVICES OFFICE

BAGUIO WATER DISTRICT

BARANGAY IMELDA VILLAGE

DR. DO

EAST MODERN SITE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with