^

Probinsiya

Pasyente 'hinostage' sa ospital

-

CAVITE, Philippines – Malalagay sa balag ng alanganin ang pa­munuan ng Metro South Medical Center Hospital sa bayan ng Bacoor, Cavite makaraang gawing preso ang isang pas­yenteng ti­nedyer sa loob ng dalawang buwan dahil lamang sa kakulangan ng pambayad noong Abril 26, 2009.

Sa panayam ng PSNgayon sa pasyenteng si Dennis Mallen y Galen, mag­bibigay na sila ng P10,000 bi­lang inisyal na ba­yad sa operasyon at gu­mawa pa sila ng promissory note na baba­yaran ang kabuuang P100,000 kapag dumating ang ipina­dalang pera mula sa London.

“Ang masakit nito, nag­tra­baho naman bilang nurse ang nanay ng pamangkin (Dennis) ko sa Metro South noong araw pero ‘di nila binigyang halaga,” pahayag ng isang kamag-anak ni Dennis.

Subalit binalewala ang pakiusap ng pamilya Mallen at hindi pinahintulutang maka­labas ang 19-anyos na pas­yente na residente ng Addas 2 sa Brgy. Molino 2, Bacoor, Cavite.

Ayon sa pamilya ng pas­yente, hinihingan sila ng inisyal na P30,000 at nag­ban­tang hindi palalabasin si Dennis hangga’t walang malaking halaga.

Sa kasalukuyan ay uma­abot na sa P113,957.53 ang hospital bill kabilang na ang professional fee ng tatlong doctor na P50,000 simula pa noong Abril 2, 2009 at patuloy na lumalaki ang bayarin ng pamilya Mallen.

Napag-alamang si Mal­len ay sumailalim sa ope­rasyon matapos barilin ng isa sa miyembro ng TBS Gang noong Abril 2 ng ha­pon sa labas ng kanilang ta­hanan sa nabanggit na ba­rangay.

Nabatid na nangako na­man ang ina ni Dennis na nag­tatrabaho bilang nurse sa London na mag­papadala ng ma­laking halaga kada buwan para sa hospital bill subalit patuloy na tuma­tanggi ang nasabing ospital.

Hindi naman makontak sa telepono ang tumata­yong opisyal na si Rose Garcia para magbigay ng kanyang panig.

Nanawagan na rin ang mga magulang at kaanak ni Dennis sa mga kinauuku­lang ahensya ng pamaha­laan para makalabas ng nasabing os­pital.

vuukle comment

ABRIL

AYON

BACOOR

CAVITE

DENNIS MALLEN

MALLEN

METRO SOUTH

METRO SOUTH MEDICAL CENTER HOSPITAL

ROSE GARCIA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with