^

Probinsiya

2 dedo, 5 sugatan sa aksidente

-

KIDAPAWAN CITY, Philippines – Namatay ang driver at pasahero ng motorsiklo habang lima pa ang su­ga­tan nang araruhin ng Fuzo boom truck ang kani-kani­lang mga sasakyan sa may outpost ng 602nd Brigade sa national highway sa Ba­rangay Balindog sa lunsod na ito kahapon ng umaga.   

Kinilala ni SPO1 Ray­mundo Lam-an ng Traffic Division ng Kidapawan City Police ang isa sa mga nasawi na si Ruben Bo­ragay, 49, ng Barangay Mua-an sa lungsod, driver ng kulay dilaw na Loncin motorcycle. Ang pasahero nito na patay din sa freak accident ay ’di pa nakikilala hanggang sa ngayon.   

Ayon kay SPO1 Lam-an, hirap sila sa pagkilala sa bangkay dahil napisak ng truck ang ulo ng biktima at wala ni isa mang Identification card na nakuha sa damit nito. Kabilang sa sugatan sina Lauro Singco, 38, ng de Mazenod village, Barangay Paco ng lungsod at driver ng asul na Honda XRM motorcycle na may plakang ML 6734 at anak na si Ge­raldine, 20. Ina­raro din ng truck ang mo­torsiklo ng mga Singco.  

Isinugod ang mag-ama sa Kidapawan Medical Specialist Hospital sa Ki­dapawan City.   

Inamin ng driver ng truck na si Loreto Castillo, tubong Tagum City, Davao Oriental, na nagkapro­b­lema ang kanyang sasak­yan nang mabangga niya ang mga biktima. (Malu Cadelina Manar)

vuukle comment

BARANGAY MUA

BARANGAY PACO

DAVAO ORIENTAL

KIDAPAWAN CITY POLICE

KIDAPAWAN MEDICAL SPECIALIST HOSPITAL

LAURO SINGCO

LORETO CASTILLO

MALU CADELINA MANAR

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with