^

Probinsiya

Landslide: 37 patay, 19 nawawala

-

MANILA, Philippines – Pinaniniwalaang aabot sa 37-katao ang nilamon ng pu­ tik, habang 19 iba  pa ang na­wawala sa naganap na landslide sa small-scale mining site noong Lunes ng hapon sa Sitio Boringot sa Brgy. Napnapan sa bayan ng Pan­tukan, Compos­tela  Valley.

Sa phone interview, ki­numpirma ni Compostela Valley Governor Arthur “Chiongkee” Uy na nasa 37-katao na ang pinanga­ngam­bahang namatay sa trahedya at patuloy na hi­nuhukay ang mga bangkay ng rescue team mula sa provincial government at ng lokal na opis­yal ng pulisya.

Ayon naman kay Com­postela Valley policed director P/Senior Supt. Ronald dela Rosa, aabot sa18 bang­kay na karamihan ay minero sa minahan ng ginto ang na­hukay na, habang  16 na­man ang nasugatan mata­pos na nadaganan ng mala­laking tipak ng bato at ma­kapal na putik.

Karamihan sa  mga bik­tima ay naninirahan sa pa­anan ng bundok kung saan gi­­nawang minahan na sina­sabing pinamumugaran ng mga rebeldeng New Peo­ple’s Army na sangkot sa pangingikil ng revolutionary tax sa  mga minero sa Com­postela Valley.

Ayon sa ulat, gumuho ang itaas na bahagi ng bun­dok dahil sa patuloy na pag­buhos ng ulan na sinasa­bing nag­palambot ng lupa na tuma­bon sa mga kaba­hayan sa paanan ng bun­dok.

May 30-kabahayan ang natabunan kung saan sa kabila ng babala ay tumang­gi ang mga minero na lisanin ang nasabing lugar.

Napag-alaman din na nagpalabas ng stoppage order ang lokal na pamaha­laan sa lahat ng mining operation sa Sitio Boringot noong Abril dahil sa masa­mang lagay ng panahon sa nasabing landslide prone area. - Joy Cantos     


ABRIL

AYON

BRGY

COMPOSTELA VALLEY GOVERNOR ARTHUR

JOY CANTOS

NEW PEO

SENIOR SUPT

SHY

SITIO BORINGOT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with