Mag-ama pinabulagta
BATANGAS, Philippines – Karit ni kamatayan ang sumalubong sa mag-ama sa loob ng kanilang tahanan makaraang ratratin ng mga armadong kalalakihan kahapon ng umaga sa Barangay Del Pilar sa bayan ng San Pascual, Batangas.
Kinilala ni P/Senior Supt. Jesus Gatchalian, Batangas police director, ang mag-amang sina Regino Lopez, 61, ex-Philippine Coast Guard at ang anak nitong lalaki na si Jennifer, 35.
Sa police report, lumilitaw na apat na kalalakihan na armado ng malalakas na kalibre ng baril ang dumating sa bahay ng pamilya Lopez at hinahanap si Regino bandang alas-5 ng umaga.
Nang mamataan ang matandang Lopez, ay kaagad na pinagbabaril kung saan nadamay ang anak nito. Mabilis na tumakas ang mga gunmen sakay ng kotse. (Arnell Ozaeta)
- Latest
- Trending