^

Probinsiya

Pabrika ng marijuana brick ni-raid

-

LA TRINIDAD, Benguet, Philippines – Sinalakay ng mga awtoridad ang kauna-unahang pabrika na gumagawa ng marijuana brick sa liblib na bahagi ng Kayapa sa bayan ng Bakun noong Huwebes (Mayo 14).

Sa ulat ni PDEA-Cordillera officer-in-charge P/Chief Insp. Edgar Apalla, nasamsam ang isang malaking metallic quadrilateral cylinder, anim na metallic square-sized separator plates at isang wooden compressing jack, kung saan pino-process ang marijuana brick.

Sa loob lamang ng ilang minuto ay maaring ma­kagawa ng 20 kilong marijuana brick ang nasabing pabrika.

Sinunog naman ng mga awtoridad ang 40,600 full-grown marijuana plants at 4,000 buto ng marijuana (P8, 280,000) mula sa apat na plantasyon malapit sa nasabing pabrika.

Nasamsam din ang anim na kilong buto ng marijuana na nagkakahalaga ng P150,000 mula sa plan­tasyon sa mga Sitio Nalusbo at Palicdan,sa Kayapa subalit wala naman naabutang tao. - Artemio A. Dumlao


ARTEMIO A

BAKUN

BENGUET

CHIEF INSP

DUMLAO

EDGAR APALLA

HUWEBES

KAYAPA

MARIJUANA

SITIO NALUSBO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with