^

Probinsiya

MILF attack: 20 katao binihag

-

MANILA, Philippines – Umaabot sa dalawam­pu-katao ang  binihag ng mga rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF) makaraang muling umatake kung saan na­nunog ng mga kabahayan at nagnakaw ng mga ala­gang hayop sa Sitio Ba­ngog, Barangay Basak, Lebak, sa bayan ng Sultan Kudarat noong Biyernes.

Sa ulat ni Army’s 6th Infantry Division spokesman Lt. Col. Jonathan Ponce, pinumunuan nina MILF Commander Jingle Calutag at Bobby Ambag ang su­malakay ng mga rebelde.

Niransak rin ng mga re­belde ang mga kabaha­yan, pinagnakawan ang mga resi­dente kabilang ang mga sari-sari store at maging ang mga alagang hayop.

Sa takot namang ma­abu­tan ng militar ay binihag ng mga rebelde ang 20 resi­dente para gawing human shield sa kanilang pagtakas.

Gayon pa man, pinalaya rin ang mga bihag na si­bil­yan dakong alas-2 ng ma­daling-araw ng Sabado ma­tapos ang 13-oras na pagka­kabihag sa tulong ng Army’s 601st Brigade. - Joy Cantos


vuukle comment

BARANGAY BASAK

BOBBY AMBAG

COMMANDER JINGLE CALUTAG

INFANTRY DIVISION

JONATHAN PONCE

JOY CANTOS

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

SHY

SITIO BA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with