^

Probinsiya

2 bulagta sa rambol

-

RIZAL, Philippines – Dalawa-katao ang kumpirmadong nasawi habang isa pa ang nasa malubhang kalagayan maka­raang magrambulan ang dalawang grupo ng kalala­kihan kamakalawa ng gabi sa Sitio Epe­tha, Brgy. San Isi­dro. Namatay habang ginagamot sa Antipolo District Hospital sina Salvador Villamayor, 49; at Archie Versoza, 23, kapwa residente ng Brgy. San Isidro. Nasa Kritikal na kondisyon at ginagamot sa Amang Rodriguez Medical Center sa Marikina City si Noel Tolentino. Kalaboso ma­tapos maaresto ang dalawa sa  anim  na  suspek  na  sina  Ro­bert  Lopez, at Dennis  Matoci­nos, kapwa nakatira  sa Sitio Tanglaw. Kabilang sa mga suspek na tugis ng pu­lisya ay ang magkapatid na Ron-Ron Panelo, at  Er­nesto Panelo, Joseph  Baldo at  isang alyas Toni. Sa ulat ni PO2  Ginnie  San  Antonio, lumilitaw na pawang mga la­ngo sa alak ang dalawang grupo nang magkainitan at mauwi sa madugong rambulan kung saan nasaksak ang dalawa. - Danilo Garcia

vuukle comment

AMANG RODRIGUEZ MEDICAL CENTER

ANTIPOLO DISTRICT HOSPITAL

ARCHIE VERSOZA

BRGY

DANILO GARCIA

MARIKINA CITY

NASA KRITIKAL

NOEL TOLENTINO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with