^

Probinsiya

Katiwala ng solon itinumba

-

MANILA, Philippines - Napaaga ang salubong ni kamatayan laban sa isang staff at tumatayong katiwala ni 1st District Congressman Antonio del Rosario ng Ca­piz makaraang ratratin ng ’di-pa kilalang lalaki sa bisini­dad ng Roxas City, kamakalawa ng gabi.

Idineklarang patay sa Roxas Memorial Provincial Hospital ang biktimang si Arturo “Art” Cruz na naging hepe ng Capiz National Red Cross at kasalukuyang staff ng nasabing solon sa 1st District ng Capiz.

Sa police report na naka­ra­ting kahapon sa Camp Crame, naganap ang insi­dente dakong alas-10:30 kamakawa ng gabi sa waiting shed sa Arnaldo Blvd.

Sa ulat ni P/Supt. Leo Ba­tiles, hepe ng Roxas City PNP, lumabas sa kanilang imbes­tigasyon nagmomo­torsiklo ang biktima mula sa Barangay Bay­bay nang abutan ng ulan.

Gayon pa man, dahil sa la­kas ng buhos ng ulan ay su­milong muna ang biktima sa waiting shed hanggang sa umalingawngaw ang sunud-sunod na putok ng baril.

Namataan naman ng ilang motorista ang biktima na nakahandusay sa kal­sada na may 10 metro ang layo sa waiting shed at mo­torsiklo nito na inakala nilang su­mem­­plang kaya kaagad na isinu­god sa nasabing ospital.

Dito na nadiskubre ng mga doctor na may tama ng bala ng baril ang biktima kung saan posibleng naki­pag­­buno pa ito sa gunman bago mapatay.

Sinisilip ng mga imbesti­gador ang anggulong sim­pleng kaso ng panghoholdap lamang. Joy Cantos at Verna Belarmino

vuukle comment

ARNALDO BLVD

BARANGAY BAY

CAMP CRAME

CAPIZ NATIONAL RED CROSS

DISTRICT CONGRESSMAN ANTONIO

JOY CANTOS

LEO BA

ROXAS CITY

ROXAS MEMORIAL PROVINCIAL HOSPITAL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with