^

Probinsiya

5 minero nalason, todas

- Ni Boy Cruz -

BULACAN, Philippines – Sa pag-aakalang may makuku­hang ginto sa iligal na mi­na­han ay napaaga ang salubong ni kamatayan sa limang mi­nero makaraang makalang­hap ng nakalala­song kemi­kal sa loob ng tunnel kaha­pon ng umaga sa Sitio Bu­laong, Ba­rangay Talbak sa bayan ng Doña Remedios Trinidad, Bula­can.

Hindi na naisalba pa ng mga awtoridad ang buhay nina alyas Boyet, lider ng grupo ng Brgy.Tumana, Ba­liwag; Abner Dela Peña, 25; Nelson Dela Peña, 21; Jo­nathan Lopez, 19; at si Chris­thoper Baisan, 38, habang nakaligtas naman sina Jonel Pedro, Andy Tan, at si Mario Videña, 56, na pawang mga resi­dente ng Barangay Tal­bak sa Bayan ng Doña Re­medios Trinidad, Bu­lacan.

Sa police report na na­ka­rating kay P/CInsp. Lo­renzo Payno, lumilitaw na dakong alas-11:30 ng tang­hali nang nagpunta ang grupo sa kabundukang bahagi ng Sitio Bulaong para pumasok sa tunnel kung saan ma­raming ginto na kanilang na­balitaan sa ibang kaibigan.

Napag-alamang nasa 25 metrong lalim na tunnel ang mga biktimang may bitbit na de-gasolinang water pump upang gamitin sa pagsipsip ng tubig.

Sa hindi inaasahang pagkakataon ay nang big­lang lumabas sa hinukay na tunnel sina Pedro, Tan at Vi­dena dahil sa kinaka­pos ng hininga dahil sa ma­sang­sang na amoy na kanilang nalang­hap mula sa water pump.

Kaagad naman huming­gi ng tulong sa mga kinau­uku­lan ang tatlo para ma­isalba ang kanilang limang kasama­hang minero suba­lit maging ang mga rescue team ay hindi nakatiis sa ma­sang­sang na amoy kaya napili­tang lumabas ng tunnel.

Nang makuha ang li­mang biktima ay agad na dinala sa klinika sa bayan ng San Ilde­fonso subalit idi­neklarang patay.

Inaalam ng pulisya kung saan kumuha ng pahintulot ang mga minero para ma­kapaghukay ng tunnel sa nabanggit na barangay.

ABNER DELA PE

ANDY TAN

BARANGAY TAL

JONEL PEDRO

MARIO VIDE

NELSON DELA PE

REMEDIOS TRINIDAD

SAN ILDE

SHY

SITIO BU

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with