^

Probinsiya

5 todas, 80 bahay sinunog

-

KIDAPAWAN CITY, Philippines – Sinalakay ng mga rebel­deng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang si­nasa­bing banana plantation ni North Cotabato Vice Governor Emmanuel Piñol kung saan lima-katao kabi­lang ang apat na rebelde ang kumpirmadong nasawi habang nasa 80 kabaha­yan naman ang sinunog kamakalawa sa bayan ng Tulunan.

Kabilang sa mga napa­tay ay ang security guard na si Tano Kudara, Jean Rey Amar at si Gilbert Cordero na napuruhan sa insidente matapos sala­kayin ang plantasyon ng saging sa Sitio Blasan, Brgy. Kanibong, Tulunan, Cotabato.

Sugatan naman at gi­nagamot sa Amas Hospital sa Kidapawan City ay sina Bobot Francisco, Jane Tongkwa, Mary Rose La­ngote, Arnel Insisco Richard Dellia at Tito Argulles.

Umabot naman sa 80 kabahayan na pag-aari ng tribong B’laan at Ilonggo na manggagawa ng AMS Corp. ang sinunog ng MILF renegades sa Sitio Mali­payon, Brgy. Maybula kung saan ay tinangay rin ang dalawang kalabaw at tatlong kalabaw.

Ayon kay P/Chief Insp. Sofronio Cornelio, ban­dang alas-8 ng umaga nang lusubin ng grupo nina Commander Hadji Abas ng 109th Bangsa Command at 108th BC na pinamu­munuan naman nina Com­mander Bayan Abas, Salim Pusa at Andong Dalama, ang plantasyon sa Sitio Lawaan, Brgy. Maybula sa Tulunan, North Cotabato.

Nakasagupa naman ng 57th Infantry Battalion at Civilian Cafgu Active Auxiliary ang grupo ng MILF habang papatakas kung saan ay apat na MILF ang napatay habang marami pa ang nagsitakas na suga­tan.

Samantala, inaresto ng mga civilian volunteers organization ng Barangay Ka­nibong ang isa pang miyembro ng MILF na kini­lalang si Akmad Kusa Dada ng Barangay Nuangan, Kidapawan City.

Patuloy naman ang hot pursuit operations ng tropa ng militar laban sa umata­keng grupo ng MILF. (Malu Cadelina Manar at Joy Cantos)


AKMAD KUSA DADA

AMAS HOSPITAL

ANDONG DALAMA

ARNEL INSISCO RICHARD DELLIA

BANGSA COMMAND

BRGY

KIDAPAWAN CITY

SHY

TULUNAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with