2 utas sa rambol sa bar
LEGAZPI CITY, Philippines — Dalawa-katao ang iniulat na napaslang sa naganap na rambulan sa loob ng videoke bar kamakalawa ng hapon sa Purok 4, Barangay Binatagan, Ligao City. Kapwa idineklarang patay sa Josefina Belmonte Duran Memorial District Hospital sina Alvin Apodaca at Santos Pula.
Base sa police report, lumilitaw na lango na ang biktima kasama ang ilang kaibigan sa loob ng Video Sinko Bar kung saan nasa kalibang lamesa ang grupo ng suspek. Pinaniniwalaang nagalit ang grupo ng mga suspek dahil sa sintunadong pagkanta ng grupo ng biktima kaya naganap ang pamamaslang. Ed Casulla
- Latest
- Trending