Kasapi ng Bayan Muna itinumba
MANILA, Philippines - Isang aktibong miyembro ng maka-Kaliwang grupong Bayan Muna ang pinagbabaril hanggang mapatay ng dalawang maskarado at armadong lalake sa Barangay Poblacion, Boston, Davao Oriental kamakalawa ng hapon.
Agad na nasawi sa pinangyarihan ng insidente ang biktimang si Lodenio Monzon.
Sinasabing pauwi na si Monzon sa kanyang bahay lulan ng kanyang motorsiklo nang sundan siya ng mga salarin na sakay din ng motorsiklong walang plaka sa kahabaan ng Sitio Cabak sa Barangay Poblacion.
Pinagbabaril ng mga suspek ang biktima nang matapatan nila ito.
Nakasuot pa ng bonnet at itim na jacket ang mga salarin nang isagawa ang krimen. (Joy Cantos)
- Latest
- Trending