2 rebelde utas sa bakbakan
BATAAN, Philippines – Dalawang rebelde mula sa grupo ng Rebolusyunaryong Hukbo ng Bayan ang iniulat na napatay habang dalawang iba pa ang naaresto makaraang makipagsagupaan sa mga awtoridad kamakalawa sa liblib na bahagi ng Sitio Lari sa Brgy. Kaparangan, Orani, Bataan. Kabilang sa mga napatay ay sina Jose “Axis” Gonzales, commanding officer sa bayan ng Samal at Alberto Ocampo, alyas Ka Ambet. Sumuko naman sina Jayson Valencia ng Barangay Tapulao at Emilda Zulueta ng Sityo Lati. Naganap ang sagupaan sa labas ng bahay ni Zulueta kung saan napatay sina Gonzales at Ocampo. Nakarekober sa mga rebelde ang dala wang baril, granada, iba’t ibang uri ng bala at mga subersibong dokumento. Jonie Capalaran
- Latest
- Trending