3 waray-waray napatay
MANILA, Philippines - Tatlong hinihinalang mga miyembro ng Waray-Waray robbery gang ang napatay ng mga tauhan ng mga tauhan ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group at Rizal Police Mobile Group sa Pililla, Rizal kahapon.
Kinikilala pa ng mga awtoridad habang isinusulat ito ang pangalan ng mga suspek.
Dalawang babae at isa pang lalaki naman ang nasakote ngunit tumanggi muna ang pulisya na sabihin ang pangalan ng mga ito habang isinasailalim pa sa imbestigasyon.
Nakilala naman ang kanilang nabiktima at nilooban na si Jan Ray Beder, 74, Australian national at asawa nitong si Clarita Librado, ng Barangay Bayogo, Jala-Jala.
Nauna rito, nagtayo ng checkpoint ang pulisya nang makatanggap sila ng ulat hinggil sa panghoholdap ng mga suspek sa Jala-Jala.
Pero, sa halip na huminto, nilagpasan ng mga suspek na lulan ng dalawang kotse ang checkpoint na dahilan para habulin sila ng mga pulis hanggang sa maabutan sila sa national road, Barangay Malaya, Pililla at nagpalitan sila ng mga putok.
- Latest
- Trending