^

Probinsiya

11 shoplifter arestado

-

BULACAN, Philippines – Nalansag ng pulisya ang grupo ng mani­nikwat na bumibiktima ng mga shopping mall matapos maaresto ang labing-isang miyembro nito sa bisinidad ng Barangay Sta. Clara, Sta. Maria, Bulacan kahapon.

Sumasailalim na sa tactical interrogation at anumang araw ay kakasuhan ang mga suspek na sina Wilfredo Enquito, Alexander Dobis, Alvin Cajibo, Marlon Mar­caida,Vangie Diaz, Grace Bautista, Fe Abaiza, Michell Avida, Raquel Vasquez, pawang residente ng Brgy. Ba­gong Barrio, Caloocan City; Mark Lazarte ng Novaliches, Quezon City at si Lilia Celadonia ng Pasay City.

Base sa police report, magkakasunod na pumasok sa isang malaking shopping mall ang mga suspek na may kanya-kanyang backpack para isagawa ang ka­nilang modus operandi.

Subalit lingid sa kaalaman ng mga suspek ay may na­kakilala sa kanila kaya mabilis naman ipinagbigay-alam sa mga guwardiya ng mall.

Gayon pa man, hinintay ng pulisya na makalabas ng mall ang mga suspek na may bitbit na paninda na sina­sabing nasikwat hanggang sa maaresto gamit ang Toyota Revo na may plakang XKY 187.

Narekober ng pulisya sa mga suspek ang mga na­kulimbat na paninda sa loob ng mall. (Boy Cruz)


ALEXANDER DOBIS

ALVIN CAJIBO

BARANGAY STA

BOY CRUZ

CALOOCAN CITY

FE ABAIZA

GRACE BAUTISTA

LILIA CELADONIA

MARK LAZARTE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with