2 sundalo patay sa encounter, 1 pa sugatan
MANILA, Philippines - Dalawang sundalo ang napatay habang isa pa ang nasugatan makaraang ma kasagupa ng mga kawal ng pamahalaan ang ilang rebeldeng New People’s Army sa liblib na lugar sa San Luis, Agusan del Sur, ayon sa opisyal kahapon.
Kinilala ni Philippine Army-4th Infantry Division Spokesman Major Michele Anayron ang napatay na mga sundalo sina Pfc. Julius Mero at Pfc. Julmin Imlani habang sugatan naman si Pfc Bernito Bayantong.
Naganap ang bakbakan dakong alas-3 ng hapon sa bisinidad ng Brgy. Muritula, San Luis matapos magresponde ang mga elemento ng 26th IB ng Army sa pamumuno ni Lt. Isagani Villasis sa lugar. (Joy Cantos)
- Latest
- Trending