^

Probinsiya

Jogger dedo sa salpok ng e-bike

Cristina Go-Timbang - Pilipino Star Ngayon
Jogger dedo sa salpok ng e-bike
Kinilala ng pulisya ang biktima na si alyas “Arnold,” may asawa, residente ng Sunrise Subdivision ng nasabing lugar.
STAR / File

CAVITE, Philippines — Nasawi ang isang 57-anyos na lalaki matapos mabundol ng isamg Electric bike (E-bike) habang nagdya-jogging sa Brgy. Tres Cruses Tanza Cavite, nitong lunes ng hapon.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si alyas “Arnold,” may asawa, residente ng Sunrise Subdivision ng nasabing lugar.

Arestado naman ang driver ng E-bike na si alyas “Celrik,” 33-anyos, online seller, residente ng Wellington Residences, Brgy. Tres Cruses ng bayang ito.

Batay sa imbestigas­yon ng pulisya, alas-4 ng hapon, binabagtas ng E-bike ang daan nang bigla nitong mabundol ang biktima habang tumatakbo at nagdya-jogging sa kahabaan ng Camella-Tres Cruses Road.

Ayon sa driver, nasilaw umano siya sa sikat ng araw kung kaya hindi nito napansin agad ang biktima.

Sa lakas ng pagkakasalpok sa biktima, tumilapon at bumagsak siya sa sementadong kalsada. Napuruhan umano ang ulo nito na agad nawalan ng malay.

Isinugod ang biktima sa Tanza Doctors Hospital ngunit binawian din ng buhay habang nailalapatan ng lunas.

Kasalukuyang nakakulong ang suspek at nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide.
 

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with