^

Probinsiya

Turista lunod sa Kalanggaman Island

-

PALOMPON, Leyte , Philippines   – Sa ilalim ng tubig sinalu­bong ni kamatayan ang isang turistang Tsino matapos itong malunod habang nag- snorkeling sa kontrober­syal na Kalanggaman Island noong Linggo ng uma­ga.

Kinilala ni LGU information officer William Merin, ang biktima na si Li Fan Ying, 26, ng Shanghai, China.

Napag-alamang iniulat na nawawala ang biktima noong Linggo ng hapon hanggang sa matagpuan ang bangkay nito na lumulu­tang sa tubig ng nasabing isla na pinaniniwalaang pag-aari ni Celso de Los Angel ng Legacy Group of Company.

Base sa ulat, ang bik­tima at co-worker na si Tang Li Ping, 27, ay naka- billeted sa Blue Corrals sa Malapascua Island sa Daan Bantayan Island, Cebu.

Nabatid na nakilala ng dalawang turista, ang da­lawang Swedish nationals na sina Pir Johan Lun­din, at Jenny Sophia Lindbatt, ha­bang patungong isla sakay ng motorboat (Marina) nina Joel Malinao at Restituto Monterde, ng Bantayan Island.

Dinala na ng pulisya ang bangkay ng biktima sa local funeral parlor at hi­nihintay na lamang ang re­presentative mula sa Chinese embassy habang ang dalawang operator ng motorboat ay pansamantalang ikinulong ng pulisya subalit naka­tak­dang palayain ma­tapos ang imbestigasyon. (Roberto Dejon)


BANTAYAN ISLAND

BLUE CORRALS

DAAN BANTAYAN ISLAND

JENNY SOPHIA LINDBATT

JOEL MALINAO

KALANGGAMAN ISLAND

LEGACY GROUP OF COMPANY

LI FAN YING

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with