^

Probinsiya

Iligal rekruter dinakma

-

BULACAN , Philippines – Rehas na bakal ang binagsakan ng dalawang kalalakihan ka­bilang ang isang Tsino na sinasabing iligal rekruter makaraang maaresto ng pulisya dahil sa reklamo ng tatlong sibilyan kamaka­lawa sa bayan ng Sta. Maria, Bulacan.

Inihahanda na ang mga ebidensya para kasuhan ang mga suspek na sina Kim Thenchen, 27, negos­yante, tubong Chen Zen, China at pansaman­ta­lang nanunuluyan sa Brgy. Tuktukan, Guiguinto, at Mario Roca, 19, ng Brgy. Pinasling, Gerona,Tarlac.

Nabatid na inireklamo ang mga suspek ng mga biktimang sina Carlos Mendoza, 35, asawa ni­tong si Charity, 35 at ka­patid ni Carlos na si Barbara Mendoza, 38, pawang naninirahan sa Brgy. San Vicente, Sta. Maria. Ayon sa ulat ng pulisya, ang mga biktima na sinasa­bing nakapagbigay na ng ma­laking halaga ay pi­na­nga­kuan ng trabaho bi­lang security guard at waitress sa Macau Tourism and Casino Career Security and Management Company subalit hindi nakaalis. Boy Cruz


vuukle comment

BARBARA MENDOZA

BOY CRUZ

BRGY

CARLOS MENDOZA

CHEN ZEN

KIM THENCHEN

MACAU TOURISM AND CASINO CAREER SECURITY AND MANAGEMENT COMPANY

MARIO ROCA

SAN VICENTE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with