^

Probinsiya

4 sasakyan nagkarambola, 2 bata todas

-

SANTIAGO CITY, Isa­bela , Philippines  – Dalawang bata ang maagang binawian ng bu­hay habang 11 iba ang suga­tan matapos magkarambola ang apat na sasakyan sa na­tional highway sa barangay Rizal ng lungsod na ito, ayon sa ulat ng pulisya kahapon.  

Ito ay matapos na bu­mang­ga ang isang Hyundai van na sinasakyan ng mga biktima galing piknik sa isang resort sa Ramon, Isabela sa kasalubong na jeep na papalabas sana sa nasabing lungsod noong Linggo ng gabi.   

Nakilala ang dalawang bata na hindi na umabot sa pa­gamutan na sina Jereli Cha­ vez, 5, at Claire Enri­quez, 4, kapwa residente ng San­tiago City habang suga­tan din ang driver ng van na si Eric En­riquez, 28, ng lungsod na ito.   

Nakilala ang ilan sa ibang biktima na sakay ng buma­liktad na van na sina Angelita Telan, 30; Mary Grace San­tos, 28; Myrde Bala, 16; Maricel Ramos Enriquez, 26; Mildred Gayapal, 16; Emily Palad, 39 at Enrique Ramos.     

Unang nakitang page­wang-gewang umano ang Van bago mahagip ang ka­salubong na jeep na naging dahilan naman upang bu­mangga ang dalawa pang sasakyan na Mitsubishi Lancer at van sa isa pang van na sumusunod sa jeep. (Victor Martin)


vuukle comment

ANGELITA TELAN

CLAIRE ENRI

EMILY PALAD

ENRIQUE RAMOS

ERIC EN

JERELI CHA

MARICEL RAMOS ENRIQUEZ

MARY GRACE SAN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with