Mag-amang kidnaper nalambat
MANILA, Philippines - Naaresto ng mga elemento ng Philippine Marines ang mag-amang pinaghihinalaang miyembro ng mga bandidong Abu Sayyaf na iniimbestigahan kaugnay ng partisipasyon sa pagdukot sa tatlong miyembro ng International Committee of the Red Cross sa Jolo, Sulu kamakalawa.
Kinilala ng mga awtoridad ang mga nasakoteng suspek na sina Bombra Hajirul at Cajir Hadjirul.
Batay sa report ng Joint Task Force Comet, ang mag-ama ay nahuli ng tropa ng Philippine Marines habang gumagala sa Serantes St., Brgy. Walled City, Jolo.
Hindi na nakapalag ang mag-ama matapos na dakpin ng mga sundalo.
Iniimbestigahan ang mag-ama kaugnay ng pagdukot sa mga kagawad ng ICRC na sina Andreas Notter, Eugenio Vagni at Jean Lacaba. Si Lacaba ay nasagip ng militar noong Hu webes. (Joy Cantos)
- Latest
- Trending