^

Probinsiya

Tigil-pasada sa Pangasinan ikinasa

-

DAGUPAN CITY, Philippines — Na­katakdang ilunsad anu­mang araw ang malawa­kang tigil-pasada ng ilang transport group sa Panga­sinan kaug­nay sa kautusan ng DOTC na nagpapataw ng malaking multa sa sinumang moto­rista na lalabag sa batas trapiko.

Sa pahayag ni Benny Aquino, pangulo ng Alliance of United Transports Organization Province-wide (AU­TO­PRO, Inc.), na lala­hok ang kanilang orga­nisas­yon sa tigil-pasada kung hindi isusus­pinde ng Mala­kanyang ang imple­mentas­yon ng memorandum ng DOTC.

Ayon kay Aquino, kabi­lang sa mga apektadong lugar ay ang mga rutang Bonuan (Tondaligan, Boquig at Bin­loc)-Dagupan at vice versa kung saan aabot 120 pam­pasehong jeepney ang lala­hok sa tigil-pasada.

Kabilang din sa ma­apek­tuhan ng tigil-pasada ay ang rutang Calasiao-Dagupan, Mapandan-Da­gu­pan, at Manaoag-Dagupan.

Maging ang rutang Ma­lasiqui-Dagupan at San Carlos City-Dagupan City ay inaasahang lalahok din sa kilos-protesta. Cesar Ramirez

ALLIANCE OF UNITED TRANSPORTS ORGANIZATION PROVINCE

AQUINO

AYON

BENNY AQUINO

BONUAN

BOQUIG

CESAR RAMIREZ

DAGUPAN

SAN CARLOS CITY-DAGUPAN CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with