^

Probinsiya

Ex-Cafgu inutas, 1 pa binalatan ng buhay

-

MANILA, Philippines - Isang dating miyembro ng Civilian Armed Forces Geographical Unit (Cafgu) ang iniulat na pinaslang matapos na pagbabarilin ng grupo ni New People’s Army (NPA) Commander Leoncio Pitao alyas Commander Parago habang isa pa ang dinukot at binalatan ng buhay sa bisinidad ng Davao del Norte, noong Biyernes.

Sa phone interview, kinumpirma ng regional Army spokesman na si Major Randolph Cabang­bang, na ang isa sa mga napatay ay si Alwas Ga­mul Abellanosa, 39, na bi­naril sa Brgy. Tibulao sa bayan ng Carmen, Davao del Norte.

Una nang nagbanta si Commander Parago na sisingilin ng dugo ang mga tumutulong sa gobyerno lalo na ang apat na sun­da­long pinararatangan nitong nasa likod ng pagdukot, panggagahasa at pagpatay sa kaniyang anak na si Rebelyn Pitao sa Davao City noong Marso 4.

Gayon pa man, ayon kay Cabangbang ay kinu­kumpirma pa nila ang ulat na ang isa pang biktima na isang informer ng militar ang dinukot  sa Paquibato District, Davao City at  sinasabing binalatan ng buhay  hanggang sa ma­matay sa tindi ng tortute ng grupo ni Parago.

Magugunita na ang bangkay ni Rebelyn na may tama ng saksak sa dibdib ay natagpuang sa irrigation canal sa Car­men, Davao del Norte, isang araw matapos na ito ay dukutin.

Samantala, apat na intelligence operatives ng militar na tinukoy ni Pa­rago na sina Sgt. Henry Bitang, Corporal Orly Pe­dregoza, Sergeants Adan Sulao at Ben Tipait na kapwa mi­yem­­bro ng Region XI Military Intelligence Group (MIG) su­bali’t itinanggi naman ng mga opisyal na may ta­uhan silang nagnga­nga­lang Sulao habang isi­nailalim sa restricted custody sina Bitang, Pedre­goza at si Tipait na kasalu­kuyan naman nasa schooling ng maganap ang kri­men. Joy Cantos

ALWAS GA

BEN TIPAIT

CIVILIAN ARMED FORCES GEOGRAPHICAL UNIT

COMMANDER LEONCIO PITAO

COMMANDER PARAGO

CORPORAL ORLY PE

DAVAO

DAVAO CITY

NORTE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with