Dumukot sa 3 titser, mag-aamang pirata
MANILA, Philippines - Kinumpirma ng pulisya na mag-aamang pirata na sina Camsa Asdanal at mga anak nitong sina Jomari Omar at Ging-ging Calon ang kumidnap sa tatlong guro sa elementarya sa Naga, Zamboanga Sibugay noong Marso 13.
Ayon sa militar, kilala ang mga nasabing suspek na nangingikil sa mga mangingisda at negosyante.
Malaki naman ang posibilidad na hawak pa rin ng mga kidnapper sa Sibugay ang mga biktimang sina Noemie Mandih, Jocelyn Enriquez at Jocelyn Inion.
Humingi na rin ng ransom money ang mga suspek sa pamilya ng mga biktima ngunit hindi tinukoy kung magkano ang kapalit ng kalayaan ng mga ito. (Joy Cantos)
- Latest
- Trending