^

Probinsiya

5, pamilya sugatan sa ambus

-

GUIGUINTO, Bulacan , Philippines  – Lima-katao kabilang ang isang negosyanteng Tsinoy at dalawang bata ang ini­ulat na malubhang nasu­ ga­tan sa naganap na pa­na­nam­bang ng mga arma­dong kalalakihan sa kaha­baan ng spur road ng North Luzon Expressway sa Brgy. Tabe, Guiguinto, Bu­la­can kahapon ng uma­ga.

Kabilang sa mga bikti­mang sugatan ay nakila­lang sina Alfamil Yap, 40, may ari ng Metallica Club sa Quezon City; asawang si Andrea Sevilla, 34; mga anak na sina Angelo Kent, 6; at Alwina, 4; at biyenan na si Elizabeth Mercadero, na pawang residente ng Bagong Silang, Caloocan City, at sa Malolos City.

Hindi naman nasaktan si Eco Mercadero, 24, ba­yaw at alalay ni Yap na nakaganti ng putok sa mga suspek na lulan ng kulay asul na Toyota Altis.

Sa imbestigasyon ng pulisya, pumasok ang mga biktima sa Tabang Toll Plaza mula sa kanilang bahay sa Malolos City at patungo sana sa kanilang tahanan sa Caloocan City, sakay ng puting  Ford Expedition na may plakang VOU-888.

Subalit dalawang kilo­metro pa lamang sa loob ng spur road ng NLEx sa Brgy. Tabe, ay pinaulanan sila ng bala ng mga suspek na sakay ng nasabing kotse.

 “Pagdating namin sa ilalim ng tulay ng Tabe, pinutukan na kami mula sa likod kaya pinadapa ko agad ang mga kasama ko,” ani Mercadero.

Dahil sa sunud-sunod na putok, nagkabutas-butas ang mga salamin ng Ford Expedition at nasu­gatan ang mga biktima, partikular na si Yap.

Ayon kay Mercadero, gumanti siya ng putok sa mga suspek at nakaubos siya ng dalawang magazine.

“Kung hindi siguro ako gumanti, baka hinintuan pa kami at tinuluyan,” aniya. 

Ayon kay P/Senior Supt. Allen Bantolo, police provincial director ng Bulacan na patuloy pa ang kanilang imbestigasyon sa kaso.

Matatandaan na isang negosyante rin ang pinag­babaril sa kahabaan ng NLEx sa Plaridel, at tinang­kang holdapin ng isang grupo ang gasoli­nahan sa kahabaan din ng NLEx sa Bayan ng Balag­tas noong 2008

Samantala, sinabi na­man ni P/Supt. Aurelio Du­cay, hepe ng pulisya sa ba­yan ng Guiguinto na malaki ang posibilidad na matukoy agad ang mga suspek dahil sa may mga close circuit television sa bawat exit at toll plaza ng NLEx.

Sinabi pa niya na naka­tanggap na sila ng ulat na may sasakyang dumaan sa Bocaue toll plaza ilang mi­nuto matapos ang insi­dente.  (Dino Balabo)

ALFAMIL YAP

ALLEN BANTOLO

ANDREA SEVILLA

ANGELO KENT

CALOOCAN CITY

FORD EXPEDITION

MALOLOS CITY

SHY

TABE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with