^

Probinsiya

Mag-asawa dinukot, tinodas

-

KIDAPAWAN CITY , Philippines  — Pagkatapos ng halos 9-araw na pagkawala na pinanini­walaang dinukot ng mga di-kilalang kalalakihan, natag­puan din ang mga bangkay ng mag-asawang magsa­saka na ibinaon sa maba­baw na hukay sa hangganan ng mga Barangay Polomo­lok at Bunawan sa bayan ng Columbio, Sultan Kudarat kahapon. Kinilala ni Co­lumbio Vice Mayor Amir Mu­sali, ang mag-asawang Cel­so at Pacia Biduya na kapwa naninirahan sa Barangay Sinkatulan sa bayan ng Makilala sa North Cotabato.

Nakagapos pa ang mga paa ng babae na kapwa tad­tad ng bala ng baril nang ma­diskubre sa mababaw na hukay. Base sa police report, isa umanong nagnga­nga­lang Abdul ang huling na­kausap ni Celso sa kan­yang celfon kaugnay sa lupain sa bayan ng Columbio,

Noon pang Marso 2 uma­­lis ang mag-asawang Biduya sa Barangay Sinka­tulan sa bayan ng Makilala at ‘di-na muling nakita. 

Ayon sa pulisya, dating amasona ng NPA si Pacia samantalang dating Cafgu naman si Celso. Blanko pa rin ang pulisya sa naganap na pamamas­lang sa mag-asawa na may naiwang tatlong anak. Malu Manar

BARANGAY POLOMO

BARANGAY SINKA

BARANGAY SINKATULAN

CELSO

COLUMBIO

MAKILALA

MALU MANAR

NORTH COTABATO

PACIA BIDUYA

SHY

SULTAN KUDARAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with