6 dedo sa diarrhea
MANILA, Philippines - Anim-katao ang naitalang namatay habang 49 iba pa ang nasa pagamutan matapos manalasa ng diarrhea sa limang barangay sa bayan ng Villareal, Samar. Kabilang sa mga namatay ay sina Jastine Garcia, 3; Adan Rivera, 4; Obdulia dela Peña, 73; Jason Paclibare, 2; Prudencia Ocale, 82; at si Carmelito Ocale, 50.
Patuloy pang inoobserbahan ng mga awtoridad ang iba pang biktima na pawang naninirahan sa mga Barangay Igot, Macopa, Ulayan, Conant at Barangay Tayud sa bayan ng Villareal.
May teorya ang mga awtoridad na kontaminadong tubig na sinasalok ng mga residente sa balon ang isa sa dahilan ng diarrhea outbreak. (Joy Cantos)
- Latest
- Trending