3 high profile criminal pumuga
KIDAPAWAN CITY, Philippines – Nakatakas ang tatlong itinuturing na high-profile criminals matapos nilang lagariin ang likurang bahagi ng Amas Provincial Jail sa Amas sa Kidapawan City kahapon ng madaling-araw.
Kinilala ni OIC provincial jail warden Red Ma rasigan ang mga nakatakas na sina Muhalidin Sulaik Hassan na sangkot sa KMCC Mall bombing sa Kidapawan City noong Nov 22, 2007; Salahudin Limpangan na sangkot sa kidnapping; at Khaddafy Sagandingan na may kasong carnapping.
Nangyari ang jail break sa kasagsagan ng mga pambobomba sa central Mindanao at sa pinaigting na opensiba ng Army laban sa grupo ni MILF Commander Ameril Umbra Kato, lider ng mga armadong grupo na umatake sa mga bayan ng Banisilan, Alamada, Aleosan, at Pikit sa North Cotabato na nagresulta sa paglikas ng libu-libong mga indibidwal. (Malu Cadelina Manar)
- Latest
- Trending