8 MILF utas sa encounter
Umaabot sa 8 rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang iniulat na napaslang sa panibagong pakikipagsagupa sa tropa ng military kahapon ng hapon sa liblib na bahagi ng Brgy. Sabakin, North Kabuntalan, Maguindanao.
Ayon kay Army’s 6th Infantry Division (ID) Spokesman Lt. Col. Jonathan Ponce, nakasagupa ng Army’s 40th Infantry Battalion (IB) ang mga MILF renegades sa pamumuno ni Commander Ameril Umbra Kato.
Tumagal ng isang oras at 45-minuto ang madugong bakbakan kung saan gumamit ang militar ng dalawang Machetiattak aircraft bilang closed air support. (Joy Cantos)
- Latest
- Trending



















