^

Probinsiya

Misis, lover ipinakulong

-

Rehas na bakal ang binagsakan ng isang misis at lover nito makaraang ipaaresto sa pulisya dahil naaktuhan ng mister ng una na magkasiping sa isang kubo sa Roxas City, Ca­piz, ayon sa ulat kaha­pon. 

Pormal na kinasuhan si Marita Aguihap, 48; at ang sinasabing kalaguyong si Narciso Dayo, 22, kapwa residente ng Barangay Dinginan sa naturang lung­sod.  

Sa police report na na­ka­rating sa Camp Crame, lumilitaw na naalimpu­ngatan ang mister na si Pancho nang maagang umalis ang kanyang misis para mag­tinda sa paleng­ke.

At dahil sa pagdududa, sinundan ni Pancho ang kanyang misis na sa halip na dumiretso sa palengke ay pumasok sa kubo ni Narciso, na may ilang me­tro lamang ang layo sa kanilang bahay.

Gayon pa man, pinali­pas muna ni Pancho ang ilang minuto at saka big­lang pinasok ang kubo kung saan nabigla ito sa bumu­laga sa kaniyang eksena.  

Naabutan nito ang misis na wala nang saplot pang-itaas habang ang lalaki ay nakasuot na lamang ng brief na halata anyang naun­sya­mi ang mainit na pagtatalik kaya kaagad ipinaaresto ni Pancho ang mag-lover na na­ka­takdang sampahan ng kasong krimi­nal. (Joy Cantos)

vuukle comment

BARANGAY DINGINAN

CAMP CRAME

GAYON

JOY CANTOS

MARITA AGUIHAP

NAABUTAN

NARCISO DAYO

PANCHO

ROXAS CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with