^

Probinsiya

Mag-asawa grabe sa holdap

-

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Kasalukuyang nakikipaglaban kay kamatayan ang mag-asawang negosyante makaraang hatawin sa ulo ng mga ‘di-pa kilalang lalaki kamakalawa ng hapon sa Barangay Gumaus sa bayan ng Paracale, Ca­marines Norte. Naisugod naman sa Camarines Norte Provincial Hospital ang mag-asawang sina Winston Barra­meda at Dolores Barrameda na kapwa naninirahan sa Orange Hill Subdivision sa bayan ng Jose Panganiban, Camarines Norte. Base sa police report, lulan ng motorsiklo ang mag-asawa nang harangin at hatawin ng kahoy sa ulo kaya sumemplang. Nagawang matangay ang bag na naglalaman ng 200 gramo ng ginto at ‘di-nabatid na halaga bago tumakas ang mga holdaper. Ed Casulla

Obrero tusta sa kuryente

OLONGAPO CITY, Philippines – Libong boltahe ng kuryente ang pumatay sa isang 39-anyos na obrero habang gumagawa sa ikatlong palapag ng gusali sa Barangay Barretto, Olongapo City kamakalawa. Kinilala ng pulisya ang bik­tima na si Jeffrey Geronimo, tubong Pook Pag-asa, Batasan Hills, Quezon City. Naisugod pa sa Mt. Carmel ang bik­timang umuusok pa ang katawan subalit idineklarang pa­tay. May teorya ang pulisya na ‘di-napansin ng biktima ang talop ng linya ng kuryente na sinasabing high tension wire na nakalagay sa poste kaya gumapang si kamatayan sa ginagawang gusali. Alex Galang

Wanted na brodkaster dinakma

MANILA, Philippines - Isang kilalang brodkaster na sinasabing kinasuhan ng rape ng kanyang kasambahay ang inaresto ng pulisya habang tuma­taya sa lotto outlet kamakalawa sa Barangay San Francisco sa Naga City, Camarines Sur kamakalawa. Ayon kay P/ Supt. Edgardo Ardales, hepe ng pulisya sa Legazpi City, isinilbi ni P/Senior Insp. Prandy Echaluce, ang warrant of arrest na inisyu ni Judge Dy ng RTC Branch 7 laban sa suspek na si Ariel Ayque, brodkaster sa apat na local radio staion sa Albay. Ang na­banggit na kasong pang­gagahasa ay isinampa ng ka­sam­bahay ng suspek noong Nobyembre 2007. Nabatid na bago tuluyang ipasok ng kulungan si Ayque ay nagpaalam muna ito sa kanyang mga kapatid at mga kaibigan. Joy Cantos

14 tiklo sa illegal fishing

BULACAN, Philippines – Rehas na bakal ang binagsakan ng 14-katao makaraang maaktuhang gumagamit ng dinamita sa pangingisda kamakalawa ng umaga sa karagatang sakop ng Barangay Tibaguin sa bayan ng Hagonoy, Bulacan. Kabilang sa mga suspek na kinasuhan ay sina Edgardo Caballer, Rolly Menterola, Jaime Salut, Fernando Caballero, Bobby Andoyo, Edwin Caballero, Joey Castillo, Edwin De Lima, Zosimo Dacalyos, Artemio Lapore, Fernando Penaranda, Christopher Nungay, at si Darwin De Lima, na pawang residente ng Brgy. Sipac sa bayan ng Pitong Gatang, Navotas City. Sa ulat na nakarating kay P/Supt. Myrna Reyes, hepe ng pulisya sa bayan ng Hagonoy, kinumpiska ang dalawang bangkang de-motor na may tatak na Reizell Antonette at Hermana na pag-aari nina Fernando Caballero at Artemio Lapore maging ang ilang dinamita, electronic fish-finder. Dino Balabo

ALBAY

ALEX GALANG

ARTEMIO LAPORE

AYQUE

BARANGAY BARRETTO

BARANGAY GUMAUS

BARANGAY SAN FRANCISCO

BARANGAY TIBAGUIN

FERNANDO CABALLERO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with