^

Probinsiya

Biyuda utas sa basted na lolo

-

MANILA, Philippines - Napaaga ang salubong ni kamatayan sa isang biyuda makaraang barilin ng kanyang manliligaw na lolo na nagpakamatay naman kamakalawa sa bisinidad ng Barangay Matina, Davao City.

Napuruhan sa ulo ng bala ng baril ang biktimang si Evelyn Mateo habang nagbaril naman sa sarili at namatay ang suspek na si Jacinto Montargo, 62, biyudo.

Sa naantalang police report na nakarating sa Camp Crame, lumilitaw na matinding depress ang dumapo sa matandang Montargo matapos tang­gihan ng babae ang kan­yang pag-ibig.

Napag-alamang mata­gal na ring nagtiyagang manligaw ang matanda at kung anu-anong bagay ang naibigay para lamang ma­kamtam ang pag-ibig ng nililiyag.

Napag-alamang bago maganap ang trahedya ay naikuwento ng matanda sa ilang kaibigan na may ma­samang magaganap ka­pag hindi tinanggap ang kanyang pag-ibig. 

Ayon sa ulat, noong Miyerkules ay nakakita ng pagkakataon ang suspek at sinamantala ang pag-iisa ng biktima sa bahay.

Dakong alas-4 ng ha­pon ay nagkunwaring da­da­law lamang ang matan­da sa bahay ng biktima su­balit nang muling ipamukha ng biyuda na hindi niya ito matatanggap bilang nobyo ay walang sabi-sabing bi­naril at kaagad na sumalu­bong si kamatayan.

Nang matiyak na patay na si Mateo ay saka nag­baril sa sarili si Montargo. Joy Cantos

vuukle comment

AYON

BARANGAY MATINA

CAMP CRAME

DAVAO CITY

EVELYN MATEO

JACINTO MONTARGO

JOY CANTOS

MONTARGO

NAPAG

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with