^

Probinsiya

Nabuking sa cell phone, pastor isinabit sa pagpatay sa misis

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Isang pastor ang ina­resto ng pulisya matapos idawit sa kasong pagpatay sa kanyang asawa na na­tagpuan ang nagsisimula nang maagnas na bangkay sa isang lugar sa Sitio Can­tipla, Barangay Tabo­nan, Cebu City kamaka­lawa.

Kasalukuyan ngayong isinasailalim sa masusing imbestigasyon ang suspek na si Pastor Leonardo Jas­tiva, presidente ng International Missionary Society of Seventh-Day Ad­ventist Church Reform Movement.

Sinisiyasat ng pulisya ang posibilidad na may kinalaman si Jastiva sa pagkakapaslang sa kan­yang misis na si Judith na naunang inireport ng sus­pek na kinidnap umano ng mga armadong tao noong nakaraang linggo kung saan ay ikinadena pa siya ng mga ito.

Pero natuklasan ni Senior Inspector George Ylanan, hepe ng Investigation Detective and Management Branch ng Cebu City Police, na pag-aari ni Jastiva ang dalawang cell­phone na gamit ng mga kidnapper.    

Batay sa awtopsiya sa bangkay ni Judith, may anim na araw nang patay ang biktima bago natag­puan ang bangkay nito na ang ulo ay hininalang pi­nalo ng matigas na bagay at maraming pasa ang mukha nito.

Balak sanang hingan ng affidavit ng mga imbesti­gador si Jastiva kaugnay sa kaniyang akusasyon na ang karibal niya sa relihi­yon ang responsable sa pagkidnap sa kaniyang asawa pero umiwas ito.

Nagulat na lamang ang lahat ng malamang patay na ang kaniyang misis at nag­sisimula na itong mabulok.

BARANGAY TABO

CEBU CITY

CEBU CITY POLICE

CHURCH REFORM MOVEMENT

INTERNATIONAL MISSIONARY SOCIETY OF SEVENTH-DAY AD

INVESTIGATION DETECTIVE AND MANAGEMENT BRANCH

JASTIVA

PASTOR LEONARDO JAS

SENIOR INSPECTOR GEORGE YLANAN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with