^

Probinsiya

Dalaga ginahasa bago pinatay ng textmate

- Joy Cantos -

May kagat sa kanang dib­dib at tadtad ng malalalim na pasa sa katawan nang ma­tagpuan ang bangkay ng isang dalaga matapos na ha­layin muna bago pasla­ngin ng hinihinalang text­mate nito na nakilala niya sa isang programa sa radyo sa Mandaue City, Cebu kama­kalawa.

Kinilala ang biktima na si Emily Nuñeza, nasa hustong gulang at resi­dente ng nasabing lugar.

Patuloy naman ang isi­nasagawang manhunt operation ng pulisya laban sa suspek na nakilala la­mang sa alyas na Michael.

Batay sa ulat na naka­rating sa Camp Crame, ang bangkay ng biktima ay na­tagpuan ng mga awtori­dad kamakalawa sa ma­sukal na bahagi sa likod ng isang gasolinahan sa Reclamation area ng Mandaue City.

Batay sa isinagawang pagsusuri ni Dr. Nestor Sator, Medico Legal Officer ng Mandaue City Police, ang biktima ay maaring inabuso ng hindi lamang iisang suspek.

Sa ulat, ang bangkay ay nagtataglay ng marka mula sa lubid na itinali sa leeg at kamay nito.

Ang biktima ay huling nakitang buhay noong Enero 23 matapos na mag­paalam sa kaniyang pa­milya na makikipagkita umano sa kaniyang text­mate na si Michael.

Sinasabing si Michael ay nakilala ng biktima sa pro­grama ng Star-FM (Energy radio) na Wanted Pangga.

Gayunman, hindi na uma­no nasuri ng doktor ang kaselanan ng biktima dahil naagnas na ito.

Ayon kay City Police Office Homicide Section Chief Jorge Aninon, malaki ang posibilidad na si Mi­chael na gumamit ng cell­ phone number 0922­3227173 ang nasa likod ng krimen matapos nitong yayaing mag-date ang biktima.

vuukle comment

BATAY

BIKTIMA

CAMP CRAME

CITY POLICE OFFICE HOMICIDE SECTION CHIEF JORGE ANINON

DR. NESTOR SATOR

EMILY NU

MANDAUE CITY

MANDAUE CITY POLICE

MEDICO LEGAL OFFICER

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with