^

Probinsiya

Midwife kinidnap

-

Isang 45-anyos na midwife na si Elizar Gomera ng Calle Onse, Lamitan, Basilan ang iniulat na nawawala mula pa noong Miyerkules at pinangangambahang dinukot din ng ban­didong Abu Sayyaf. Sinasabi ni Nick de Castro ng La­mitan City Health Office na merong tumawag sa kanila na nag­pahiwatig na hawak ng mga ito si Gomera. Iniim­bestigahan ng pulisya kung isa rin itong kasong kidnapping. (Joy Cantos)

Principal kinasuhan

Isinampa kahapon ng Department of Environment and Natural Resources sa Olongapo City Prosecutor’s Office ang kasong paglabag sa Presidential Decree 953 laban sa principal ng Zambales National High School na si Ellen Agabao dahil sa umano’y iligal na pagpapaputol nito sa 12 punongkahoy sa loob ng naturang paaralan noong Enero 13. (Angie dela Cruz)

Misis inambus

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City — Todas ang ne­gosyanteng ginang na si Lorna Laurio, 45, habang sugatan ang driver nito na si Teddy Abada, 44, nang tambangan ng mga ‘di kilalang holdapers dakong alas-6:30 ng umaga kahapon sa Brgy Biyong, Masbate City. Nang makuha na ang pakay ay pinagbabaril pa ng mga suspek ang sasakyan ng biktima ngunit nagawa pa rin ni Abada na makatakas kahit pa sugatan. (Ed Casulla)

Resto ninakawan

RIZAL — Isang booth ng Kowloon house sa KM 23 Or­ti­gas Avenue Extension, Barangay San Isidro, Taytay, Rizal ang hinoldap ng tatlong armadong lalake at natangayan ng halagang P10,000 kita nito kamakalawa ng hapon. (Ricky Tulipat)

vuukle comment

ABU SAYYAF

AVENUE EXTENSION

BARANGAY SAN ISIDRO

BRGY BIYONG

CALLE ONSE

CITY HEALTH OFFICE

DEPARTMENT OF ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES

ED CASULLA

ELIZAR GOMERA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with