^

Probinsiya

Biik 2 ang ulo at 8 ang paa

-

BALANGA CITY, Ba­taan – Isang inahing baboy ang nagluwal na may ka­kaibang anyo. Meron itong dalawang ulo, tatlong mata (iyong isa na­sa pagitan ng dalawang ulo), walo ang paa at isang pu­sod sa iisang katawan ka­makailan sa Barangay Mun­ting Ba­tan­gas, lungsod na ito.

Ang inahing baboy ay pag-aari ni P/Sr.Supt. Ode­lon Ramoneda, chief of staff ng OASI-DILG.

Nagulat ang mga tau­han ni Ramoneda nang da­kong alas-9:00 ng umaga, inilulu­wal ang pang-anim sa 14 na anak ng isang hybrid Durok Petrin. Pula na may batik na itim ang na­turang kakaibang biik.

Ayon kay Aling Cynthia, isang beterinaryo, mas­yado umanong nahirapan ang na­sa­bing biik sa pag­labas nito kaya namatay din ito makali­pas ang li­mang oras.

Ang naturang inahin ay nagbuntis sa pamamagitan ng isang artificial insemination. Ang labingtatlong anak nito sa ngayon ay pa­wang malalakas ang kon­disyon na maingat na ina­alagaan ni Aling Cynthia.

Sinabi pa ni Ramoneda na, dahil sa kakaiba ito sa lahat ng biik na isinilang ng kanyang baboy at baka­saling magda­dala ito ng swerte, kanya itong ipina-preserve sa isang malaking botelya. (Jonie Capalaran)

vuukle comment

ALING CYNTHIA

AYON

BARANGAY MUN

DUROK PETRIN

ISANG

JONIE CAPALARAN

MERON

NAGULAT

RAMONEDA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with