Nene ginahasa ng bakla
BOCAUE, Bulacan – kalunus-lunos ang sinapit ng isang menor-de-edad na batang babae makaraang gahasain ng isang bading na kanyang kasambahay sa isang lugar sa bayang ito.
Kinilala ni PSupt.Ronald De Jesus, hepe ng naturang bayan, ang suspek na si Angelito Del Carmen y Prado alyas Lovely, 21-anyos, tubong Brgy. Malanday, Valenzuela City habang ang biktima naman ay itinago sa pangalang Jeng-Jeng, walong taong gulang na grade 1 pupil ng Lolomboy Elementary School at kapwa residente ng Brgy. Bunducan sa bayan ng Bocaue.
Ayon sa salaysay ng biktima, naganap ang panghahalay sa kanya tuwing umaalis ang kanyang ina upang pumasok sa trabaho nito sa gabi.
Una siyang hinalay noong Disyembre 26, 2008 sa pagitan ng ika-8 at ika-9 ng gabi sa loob mismo ng kanilang inuupahang bahay sa Brgy. Bunducan.
Sinabi ni Jeng-Jeng na, kapag nagpapaalam na ang kanyang ina upang pumasok sa trabaho, tuwang tuwa ang suspek dahil parang may binabalak na naman sa kanya na hindi maganda.
Matapos umalis ang kanyang ina ay agad na isinasarado ni Lovely ang pintuan ng kanilang bahay bagay na ipinagtataka na bata gayon hindi pa naman sila matutulog.
Bigla na lang pupunta si Lovely sa ilalim ng papag na kanyang hinihigaan at bigla na lang tatawagin si Jeng-Jeng ng pasigaw at sasabihin na duon sila mahiga at dahil sa natatakot ang bata ay napipilitang sumunod na lamang ito sa kagustuhan ng suspek.
Habang nakahiga ang dalawa ay kukuwentuhan ng mga malalaswang istorya ng suspek ang biktima sabay dakma nito sa mga maseselang parte ng kanyang katawan at dahil sa mura pa ang gulang ng biktima ay inaakala niya na pangkaraniwan lang itong ginagawa ng mga magkatabi sa pagtulog.
Bigla na lang magtatanggal ng damit ang suspek at pagkatapos nito ay sapilitang huhubarin ang damit ng biktima sabay patong sa murang katawan nito at matapos ang masamang balak ay sasabihan ang biktima na huwag sasabihin sa kanyang ina ang nangyari sa kanilang dalawa.
Kahapong ika-11:00 ng tanghali habang naglalaba ang kanyang ina ay napansin nito na tila tulala si JengJeng at hindi ito nagsasalita kaya napilitang itanong ng ina kung ano ang nangyayari sa kanya. Dito na ikinuwento ng biktima habang umiiyak ang ginagawa sa kanya ni Lovely tuwing umaalis siya at pumapasok sa trabaho.
Habang iniimbestigahan ni PO2 Dorina Camado ng WCCD ay panay ang tanggi ng suspek sa pangyayari subalit nang makaharap na ang biktima at ina nito ay agad ding inamin ang kasalanan at ayon sa salaysay ng suspek ay nagawa lamang niya ang panggagahasa dahil sa kalungkutan sa sarili at naghahanap lamang siya ng magpapaligaya sa kanya.
Agad ding sinampahan ng kasong Statutory Rape in relation to R.A 7610 ( Child Abuse ) ang suspek habang nakatakda namang ilipat ang bata sa pangangalaga ng Department of Social Welfare and Development upang mabigyan ng karampatang lunas sa sinapit nito.
- Latest
- Trending