^

Probinsiya

40 bahay sinunog ng MILF

-

Panibagong paghahasik ng lagim ang ikinalat ng mga rebeldeng Moro Islamic Liberation Front makaraang sunugin ang apatnapung kabahayan sa dalawang barangay sa bayan ng Ka­lamansig, Sultan Kudarat kamakalawa.

Ayon kay Army’s 6th Infantry Division spokesman Col. Julieto Ando,  ang sinu­nog  na mga kabahayan ay sa bahagi ng mga Barangay  Sangay at  Paril bilang pag­hihinganti ng mga rebelde sa mga isinaga­ wang operas­yon ng militar.

Bunga nito, namamayani pa rin ang takot ng mga resi­dente na magsibalik sa kani­lang mga tahanan kung saan tumaas pa sa mahigit sa 7,000 ang bilang ng mga evacuees na nagsilikas sa nabanggit na bayan.

Nagmistulang ghost town ang dalawang barangay matapos na lisanin ng mga residente ang kanilang ta­hanan sa takot na madamay sa pag-atake ng mga MILF.

Kaugnay nito,  pinalakas pa ng tropa ng militar ang opensiba upang mapigilan ang mga patraydor na pana­nalakay ng mga rebel­de. Joy Cantos

vuukle comment

AYON

BUNGA

INFANTRY DIVISION

JOY CANTOS

JULIETO ANDO

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

SHY

SULTAN KUDARAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with