^

Probinsiya

Tunnel gumuho; 2 bata patay

-

Napaaga ang salubong ni kamatayan laban sa dalawang batang lalaki makaraang makulong sa gumuhong tunnel na ka­nilang pinasukan habang umuulan sa Barangay Klo­be, Lake Cebu, South Co­tabato, kamakalawa.

Sa report ng Provincial Disaster Coordinating Council, kinilala ang mga biktimang sina Davino Ka­ling, 10; at Rolando Malan­dag, 9.

Ayon pa sa ulat, nawala ang dalawa noong Lunes ng hapon (Enero 19) ha­bang malakas ang buhos ng ulan.

Base sa salaysay ng mga batang kalaro nina Davino at Rolando, puma­sok ang dalawa sa hinukay na tunnel habang lumala­kas ang ulan at hindi na lu­ma­bas pa dahil inabutan ng pagguho ng lupa.

Ayon sa mga opisyal ng PDCC, narekober ang bang­kay ng dalawang bata kaha­pon ng umaga matapos hu­mupa ang pag-ulan sa na­sabing lugar.

Pinaiimbestigahan ng mga awtoridad ang may-ari ng tunnel dahil sa sinasa­bing walang permit mula sa kinauukulang ahensya ng pamahalaan. Joy Cantos

vuukle comment

AYON

BARANGAY KLO

DAVINO

DAVINO KA

JOY CANTOS

LAKE CEBU

PROVINCIAL DISASTER COORDINATING COUNCIL

ROLANDO MALAN

SHY

SOUTH CO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with