^

Probinsiya

P7M kabayo ng solon sinaksak

-

CAMP VICENTE LIM, Laguna – Dalawang hi­nete ang kalaboso maka­raang pagsasaksakin ang 11-kabayong pangarera na nagkakahalaga ng P7 mil­yon at pag-aari ni Tarlac 3rd District Representative Jeci Lapus habang nasa loob ng kwadra sa bayan ng Carmona, Cavite noong Linggo ng madaling-araw.

Kinilala ni P/Senior Supt. Hernando Zafra, Cavite police director ang mga suspek na sina Melvin Villegas, 28, tubong Ba­suaga, Palawan at Arvin Capati ng Guagua, Pam­panga, kapwa stay-in racehorse jockey ng San La­zaro Leisure Park (SLLP) sa Barangay Lantic ng nabanggit na bayan.

Ayon sa report, ban­dang alas-4 ng madaling-araw nang magising ang caretaker na si Nida Da­canay sa ingay ng mga kabayo at laking gulat nalang nito nang makita na ang kabayong si “Serious Susie” ay may na­katarak na kutsilyo sa ulo bandang alas-4 ng uma­ga.

Nang magsiyasat pa si Dacanay, napag-alaman pa nito na sampu pa sa mga alagang mamahaling kabayo ang may mga sak­sak sa ibat-ibang bahagi ng katawan na kinilalang sina Grey Magic, Red Lotus; Karma and Gondor General Onay, Harod’s Magic, Mountain Cat and Liver Action.

Mabilis namang nada­kip sina Villegas at Capati, samantalang tinutugis na­man ang iba pang suspek kabilang na si Rolando “Longlong” Paja Entino, 28, tubong Abuyog, Leyte.

Sa imbestigasyon ng pulisya, posibleng nag-ugat ang pananaksak sa mga kabayo sa naging awayan ng mga caretaker ni Rep. Lapus at sa mga hinete nito. (Arnell Ozaeta at Cristina Timbang)

vuukle comment

ARNELL OZAETA

ARVIN CAPATI

BARANGAY LANTIC

CAVITE

CRISTINA TIMBANG

DISTRICT REPRESENTATIVE JECI LAPUS

GREY MAGIC

HERNANDO ZAFRA

KARMA AND GONDOR GENERAL ONAY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with