Bangkay ng rape victim lumitaw
KIDAPAWAN CITY – Isang bangkay ng babaeng estudyante na pinaniniwalaang ginahasa bago pinatay ang natagpuan sa isang madamong lugar sa national highway sa Barangay Nueva Vida, M’lang, North Cotabato kamakalawa ng umaga.
Nakilala ang biktima na si Rachel Joy Blasé, 16 anyos na fourth year student ng Koronadal Comprehensive National High School.
Hinihinala ni M’lang Police Chief Inspector Eldy Magbanua na maaaring pinagsamantalahan at pinatay sa ibang lugar si Blasé bago itinapon ang bangkay nito sa nasabing barangay.
Noon pang Lunes iniulat ng mga kaanak ni Blasé ang pagkawala nito.
Huli siya’ng nakita ng kanyang mga kaklase na may kausap sa cell phone noong Martes ng umaga. Posible umano na may kinatagpo itong textmate, ayon sa report.
Lumabas sa autopsy sa bangkay na ginahasa muna ang dalaga bago siya pinatay.
Ayon kay Magbanua, batay sa mga marka sa leeg, posibleng sinakal ang dalaga hanggang sa malagutan ng hi ninga. (Malu Cadelina Manar)
- Latest
- Trending