Trahedya sa kalsada: mag-syota dedo
ANTIPOLO CITY, Rizal – Magkasabay na kinarit ni kamatayan ang magkasintahan makaraang bumangga ang sinasakyan nilang motorsiklo sa kasalubong na kotse kamakalawa ng hapon sa pakurbang kalsada sa Barangay Sta Cruz, Antipolo City, Rizal.
Idineklarang patay sa Antipolo Community Hospital ang mga biktimang sina Arvin Dominguez, 29, ng Bacood Sta. Mesa, Maynila at Anne Lieze Olagan, 22, ng Brgy. Fortune, Marikina City.
Samantala, nakakulong naman sa himpilan ng puilsya ang drayber ng kotse na si Prudencio Gumba Jr., 30, ng Nagpayong, Barangay Pinagbuhatan, Pasig City.
Sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-2:15 ng hapon habang binabagtas ng dalawa sakay ng kanilang motorsiklo ang kahabaan ng zig-zag road.
Patungo naman ng bayan ng Antipolo ang kotseng Toyota Corolla Sedan (PXG 318) ni Gumba nang makasalubong ang motorsiklo ng mag-syota. (Edwin Balasa)
- Latest
- Trending