^

Probinsiya

Reporter sinampal, sinabunutan sa presinto

-

ILOILO CITY – Re­has na bakal ang binag­sakan ng isang  babae ma­karaang manglait, manampal at manabu­not ng isang lady re­ por­ter ng isang television net­work sa loob ng him­pilan ng pulisya sa ba­yan ng Jaro, Iloilo kaha­pon ng madaling-araw.

Pormal na kinasuhan ng pulisya ang suspek na si Andrea Gorriceta, 27, may-ari ng Honda Sedan (BCS 823) na nakahagip kay Rhea Aquino, sa labas ng MO2 Restaurant.

Batay sa police report, hinarang ng pulisya ang sasakyan ni Gorri­ceta at dinala sa himpilan ng pulisya para imbesti­gahan sa kasong hit and run.

Habang iniimbestiga­han sa loob ng presinto ay dumating naman ang reporter na si Charlene Bel­vis ng GMA TV 6-Iloilo  na tinangkang kunan ng footage ang nasabing sus­pek.

Gayon pa man, hindi nagustuhan ng suspek na kunan siya ng footage kung kaya’t tinawag na burikak at sinampal sa ka­liwang pisngi ang TV reporter sa harapan ng mga pulis.

Hindi pa nakuntento sa pananampal, sinabu­nutan pa nito ang TV re­porter at nang matumba sa sahig ay pinaghihila kaya nasugatan ito.

Tiniyak naman ng TV reporter na magsasam­pa ito ng kaukulang kaso laban sa babaeng nan­lait, nanampal at nana­bu­not sa kanya.

Sa panayam sa Ak­syon Radyo-Iloilo, ina­min ni Gorriceta ang na­gawa kay Belvis subalit kakasuhan nam(an niya si Belvis ng harassment. (Ronilo Pamonag at Joy Cantos))

vuukle comment

ANDREA GORRICETA

BATAY

BELVIS

CHARLENE BEL

HONDA SEDAN

ILOILO

JOY CANTOS

RHEA AQUINO

RONILO PAMONAG

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with