^

Probinsiya

OFW muna bago Chacha

-

BULAKAN, Bulacan – Isantabi muna ang Chacha (Charter change) at sa halip ay tutukan ang delubyong mag­papalubog sa libu-libong pamilya ng overseas Filipino worker sanhi ng global financial crisis.

Ito ang payo at babala ni dating Labor Undersecretary Susan Ople sa pamahalaan matapos na dumalo sa ikalawang anibersaryo ng NewsCore, isang lokal na pahayagang naka-base sa bayang ito noong Biyernes.

“Kalimutan muna natin ang Charter change dahil ang dapat tutukan ay ang economic tsunami na magpa­palubog sa libu-libong pamilya ng OFW dahil sa global financial crisis,” ani Susan.

Ayon kay Ople, ang problema ng kawalan ng trabaho ng libu-libong OFW ay hindi na maitatanggi.

“Nandito na ang problema, tahimik lang pero totoo,” aniya at iginiit na noong nakaraang linggo ay kasama siya ni Overseas Worker Welfare Administrator Carmelita Dimzon sa Taiwan kung saan ay sinabi sa kanila ng mga opisyal ng Manila Economic Cultural Office doon na umabot sa mahigit 2,000 OFW na ang mula Oktubre at tinatayang 4,000 OFW pa sa Taiwan ang mawawalan ng trabaho. (Dino Balabo)

AYON

BIYERNES

BULACAN

CHACHA

DINO BALABO

ISANTABI

LABOR UNDERSECRETARY SUSAN OPLE

MANILA ECONOMIC CULTURAL OFFICE

OVERSEAS WORKER WELFARE ADMINISTRATOR CARMELITA DIMZON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with