^

Probinsiya

2 Cafgu nalasog sa granada

-

Karit ni kamatayan ang sumalubong sa dalawang kawal ng Cafgu Active Auxiliary habang isa pa ang nasugatan makaraang sumabog ang inihagis na granada ng mga rebeldeng New People’s Army sa Army detachment sa Paquibato District, Davao City kamakalawa ng gabi. Kabilang sa mga nasawi ay sina Felix Dandoy at Danny Maylan, habang ang sugatan naman si Gomer Dayasag. Ayon sa ulat, nagbabantay ang mga biktima sa Paquibato detachment nang sumalakay ang mga rebeldeng New People’s Army sa pamumuno ni Leonardo Pitao, alyas Kumander Parago ng Pulang Bagani Command. Sa teor­ya ng pulisya, rumesbak ang mga rebelde matapos ma­ma­tayan sa pinakahuling sagupaan sa Tamayong, Baguio District kung saan isang lider ng NPA  ang napaslang. Joy Cantos

5 dedo sa bakbakan

Dalawang kawal ng Phil. Army at tatlong rebeldeng Moro Islamic Liberation Front ang iniulat na napatay sa panibagong sagupaan sa liblib na bahagi ng Barangay Bansayan sa bayan ng Piagapo, Lanao del Sur kama­ kalawa. Batay sa ulat ng regional Army spokesman na si 1st Lt. Estaffani Cacho, naganap ang bakbakan sa pagitan ng Army’s 33rd Infantry Ba­tallion at mga rebeldeng grupo nina Kumander Abdulrahman Ma­capaar, alyas Kumander Bravo at Aleem Sulayman Panga­lian. Si Kumander Bravo ay may patong sa ulong P10 milyon habang P5 milyon naman kay Pangalian kaugnay ng madugong pag-atake sa apat na bayan ng Lanao del Norte noong Agosto. Nagtagal ng dalawang oras ang labanan na nagresulta ng pag­ka­matay ng dalawang sundalo at tatlong rebelde. Pansaman­talang hindi muna ibinunyag ang mga pangalan ng dalawang kawal. Joy Cantos

47 na patay sa lumubog na ferry

Lumobo na sa 47-katao ang nasawi sa paglubog ng M/B Mae Jan noong Linggo ng gabi sa karagatang sakop ng Barangay Linao sa Appari, Cagayan, ayon sa ulat kahapon. Sa ulat ni P/Senior Insp. Alex delos Santos, umabot na sa 47 bangkay ang narerekober ng search and retrieval team. Habang pito pa ang nawa­wala. Sinabi pa ni Delos Santos, na nakilala na ang tat­lumpong nasawi habang inaalam pa ang  pagka­kakilanlan ng may 17 pang katao. Magugunitang lumu­bog ang  M/B Maejan sa kara­gatan noong Linggo ng Dis.14 matapos balyahin ng matin­ding alon.  Patuloy naman ang search and retrieval ope­ratio­n sa pito pang nawawalang biktima. Joy Cantos

ALEEM SULAYMAN PANGA

B MAE JAN

B MAEJAN

BAGUIO DISTRICT

BARANGAY BANSAYAN

BARANGAY LINAO

JOY CANTOS

NEW PEOPLE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with