^

Probinsiya

Trader na cop killer tugis

-

BATANGAS –  Isinasagawa ngayon ng mga awtoridad ang malawakang pagtugis laban sa isang trader na sinasabing bumaril at nakapatay sa isang pulis sa Tanauan City, Batangas kamakalawa ng hapon. Kinilala ni P/Supt. Willy Atun, Tanauan police chief, ang suspek na si Arnel Opena ng Brgy. Talaga, Tanauan City at may-ari ng Caltex Gas Station. Napag-alamang si Opena ay sinasabing nakapatay kay SPO1 Ruel Ramos, 53, ng Brgy. Maugat, habang tinamaan naman sa balakang si PO1 Maryjane Ramirez na 8-buwang buntis kaya nakunan at ginagamot ngayon sa CP Reyes Hospital sa Tanauan. Nag-ugat ang pamamaril matapos magkagitgitan ang dalawang sasakyan sa highway sa Brgy. Talaga. Sakay sina SPO1 Ramos at PO1 Ramirez sa isang Mitsubishi Adventure (WEG-376) at patungo sana sa Tanauan City nang maharang ang sasakyan ni Opena na Land Rover (NDC-363) na may hilang trailer habang papasok ito sa garahe. Ayon pa kay Atun, maaaring binusinahan ni SPO1 Ramos si Opena kaya nagalit nito hanggang sa mauwi sa pamamaril. Matapos ang krimen, tumakas si Opena sakay ng Isuzu Trooper (VCK-978) patungo sa bayan ng Talisay. Arnell Ozaeta

AFP vs MILF: 14 todas

Labintatlong miyembro ng pasaway na grupong Moro Islamic Liberation Front at isang sundalo ang iniulat na napaslang habang walong sundalo ang nasugatan sa pa­nibagong sa­gu­paan sa kagubatang sakop ng Datu Saudi Ampatuan, Ma­guin­danao kamakalawa. Sa phone interview, sinabi ni Army’s 6th Infantry Division Spokesman Col. Julieto Ando, naganap ang bakbakan dakong alas-8 ng umaga matapos makatanggap ng ulat ang mga sundalo hinggil sa puwersahang pang-aagaw ng bigas ng mga rebelde sa mga residente. Gumamit ng combat plane ang Philippine Air Force sa direksyon ng mga kala­ban kaya marami ang nalagas sa grupo ng mga re­belde. Ayon naman kay Col. Marlou Salazar, commander ng Army’s 601st Infantry Brigade, aabot sa 13 rebelde sa pamumuno ni Ku­man­der Wahid Tundok ang sinasabing nasawi sa sagupaan. Joy Cantos

2 bata kinidnap sa Davao

Nagsasagawa nang malawakang rescue operation ang mga awtoridad para masagip ang dalawang mag-aaral sa elemen­tarya ang iniulat na kinidnap ng mga ‘di-pa kilalang kalalakihan kamakalawa ng tanghali sa Davao City. Sa ulat ni P/Chief Supt. Pedro Tango, provincial police director, na isinumite sa Camp Crame, ang mga biktima ay kapwa grade 1 pupil sa Lacson Elementary School sa Calinan District. Gayon pa man, pan­samantalang ‘di-muna tinukoy ng opisyal ang pangalan ng dalawa para ‘di-mabulilyaso ang isi­nasagawang search and rescue operations. Napag-alamang kalalabas lamang ng dalawa sa paaralan nang tangayin ng mga armadong kalala­kihan saka isinakay sa kulay puting van at tumakas sa direksyon ng Calinan Poblacion. Joy Cantos

ARNEL OPENA

ARNELL OZAETA

ATUN

BRGY

JOY CANTOS

OPENA

SHY

TANAUAN CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with