^

Probinsiya

Mag-ama nilamon ng lawa

-

RIZAL – Magkasunod na sinalubong ni kama­tayan ang mag-amang mangingisda makaraang malunod sa lawa ng Laguna kamakalawa ng ha­pon sa bayan ng Pililla, Rizal.

Habang sinusulat ang balitang ito ay patuloy pa rin ang retrival operation sa mga biktimang sina Alfredo Yari, 61, at anak nitong si Dillan Yari, 24, kapwa re­sidente ng Sitio Mabiya sa Brgy. Malaya ng nasabing bayan.

Base sa ulat ni P/Chief Insp. Ramon Gabat, hepe ng pulisya sa bayan ng Pililla, napag-alaman na sumisid ang matandang Yari sa lawa upang usisain kung may mga isda ang ka­nilang lambat nang maka­ram­dam ito ng panganga­pos ng hininga kaya humi­ngi ito ng saklolo sa anak na nasa bangka.

Mabilis namang tuma­lon ng lawa ang anak upang saklolohan ang ama subalit dahil sa lakas ng agos ay hindi ito nakayanan kaya kapwa nilamon ng lawa. Namataan naman ng ilang mangi­ngisda ang naganap sa mag-ama kaya sinikap na humingi ng tulong sa kinau­ukulan. Edwin Balasa

ALFREDO YARI

BRGY

CHIEF INSP

DILLAN YARI

EDWIN BALASA

HABANG

PILILLA

RAMON GABAT

SHY

SITIO MABIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with