^

Probinsiya

Pari tumalon sa hospital, kritikal

-

Pinaniniwalaang may matinding problemang personal kaya nagdesisyon ang isang pari na tumalon mula sa bintana ng ikatlong palapag ng hospital sa Ge­neral Santos City, kama­kalawa.

Kasalukuyang nakiki­pag­laban kay kamatayan ang biktimang si Fr. Bal­tazar Celestial, 36, parish priest sa Saint Francis Xavier Church sa bayan ng Malapatan, Sarangani.

Batay sa police report na nakarating sa Camp Crame, naitala ang insi­dente dakong alas-5 ng hapon  noong Biyernes kung saan ginagamot si Fr. Celestial sa General San­tos Doctors Hospital.

Ayon kay P/Senior Supt. Robert Po, hindi pa matu­koy ang motibo ng insi­dente at hindi pa rin maika­kategoryang talagang nag­tangkang mag-suicide ni Fr. Celestial tulad ng sina­sabi ng mga testigo.

Wala namang makitang palatandaan ng foul play ang mga imbestigador sa na­sabing insidente.

Samantala, wala pa ring pahayag si Bishop Dinual­do Gutierrez ng Diocese of Marbel hinggil sa sinasa­bing tangkang suicide ng nasabing pari.

Nabatid na maging ang mga deboto ng nasabing simbahan ay hindi ma­kapaniwalang magtatang­kang mag-suicide ang na­turang pari dahil mabait naman umano ito, sa pag­kakaalam nila ay walang problema bagaman sakitin ito kaya lagi sa hospi­tal. Joy Cantos

BISHOP DINUAL

CAMP CRAME

DIOCESE OF MARBEL

DOCTORS HOSPITAL

GENERAL SAN

JOY CANTOS

ROBERT PO

SAINT FRANCIS XAVIER CHURCH

SANTOS CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with