^

Probinsiya

Baby nilasog ng ama

-

Dahil sa kakulangan ng pera na pambili ng gatas, isang sanggol na lalaki ang iniulat na nalasog ang ka­ta­ wan makaraang ihagis ng kan­yang ama mula sa ma­taas na gusali sa Brgy. Bal­zain, Tuguegarao City, Caga­yan kahapon ng ma­daling-araw.

Nahaharap ngayon sa kasong infanticide ang ama ng sanggol na si Rustom Timtim, 18, isang estud­yante sa Cagayan Colleges sa Tuguegarao City, na takot harapin ang res­ponsibilidad sa anak.

Batay sa ulat ni P/Chief Insp. Edward Guzman na nakarating sa Camp Cra­me, bandang alas-2 ng madaling-araw nang ma­mataan si Rustom na umak­yat sa ma­taas na gusali habang bitbit ang nag-iiyak na sanggol.

Ayon sa ilang testigo, si Rustom ang naghagis ng sanggol na sinasabing isi­nilang ng kaniyang kasin­tahang si Julie Ann Ramos, 19, estudyante rin ng nasa­bing kolehiyo.

Ipinahayag ni Guzman, na may posibilidad na bu­hay pa ang sanggol nang ita­pon at nasawi ito mata­pos na tumama sa binag­sakang lupa kung saan sasampahan nila ng ka­ukulang kaso ang magka­sintahan.

Habang iniimbestiga­han sa presinto, inamin naman ni Rustom sa pu­lisya na siya ang naghagis sa sanggol da­hil hindi pa sila handang ma­mu­hay at hindi nila kayang bu­hayin ang sang­gol lalo’t so­brang taas ng presyo ng infant milk. (Joy Cantos)

vuukle comment

CAGAYAN COLLEGES

CAMP CRA

CHIEF INSP

EDWARD GUZMAN

JOY CANTOS

JULIE ANN RAMOS

RUSTOM

RUSTOM TIMTIM

SHY

TUGUEGARAO CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with